Awareness Lecture, isinagawa

0
554253129_789821043944966_2767586364692111698_n

Isinagawa ang talakayan sa mga mag-aaral ng Talisayan National High School, Barangay Talisayan, Lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-6 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ng Zamboanga City Police Station 9 sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Jovanie G Julian, Acting Station Commander sa pakikiisa ng mga studyante at guro sa nasabing paaralan.

Ang talakayan ay nakatuon sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.”

Bukod dito, tinalakay rin ang isyu ng maagang pagbubuntis upang magbigay-kaalaman sa mga kabataan.

Layunin ng aktibidad na ito na itaguyod ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng paaralan, kapulisan, at mamamayan.

Ibinahagi rin ang mga tips sa pagpigil ng krimen at mga paalala sa kaligtasan upang mapalakas ang kamalayan at disiplina ng mga kabataan tungo sa isang ligtas at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *