Feeding Program para sa mga mag-aaral ng Patag ES sa Sorsogon, isinakatuparan
Nakiisa ang mga personnel ng Sorsogon 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), R-PSB Team na pinamumunuan ni PCMS Alfonso J. Salvante sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ Kevin Lew D. Garing, Force Commander, sa isinagawang feeding program ng Barangay Council at Barangay Health Workers para sa mga mag-aaral ng Patag Elementary School ng nasabing lungsod nito lamang ika-6 ng Oktubre 2025.

Layunin ng naturang aktibidad na mapangalagaan ang kalusugan at mapabuti ang nutrisyon ng mga kabataang mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang pangkalahatang kalagayan at kahandaan sa pag-aaral.
Ipinakita ng Sorsogon 1st PMFC ang kanilang patuloy na pakikiisa sa mga programang pangkomunidad sa pamamagitan ng serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng kabataan at mamamayan.
Source: RPSB PATAG GUBAT Sorsogon 1st PMFC