Pagtutulungan para sa Kalikasan, umariba sa Barangay Buntod, Panay, Rizal
Sa adhikaing mapanatili ang likas na yaman at mapangalagaan ang kalikasan, nagsagawa ng Mangrove Planting Activity ang mga tauhan ng Panay Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PCPT RONALD F. TON-OGAN, Officer-in-Charge, umaga ng ika-5 ng Oktubre, 2025, sa kahabaan ng baybayin ng Brgy. Buntod, Panay, Capiz.
Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya kabilang ang Force Multipliers (FBBI), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga Opisyal ng Barangay Buntod.
Ang pagkakaisa ng mga ahensyang ito ay patunay ng kanilang iisang layunin, ang pangalagaan ang kalikasan at tulungan ang komunidad sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas maayos na kapaligiran.
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga mangrove trees, layunin ng aktibidad na mapanatili ang balanse ng ekolohiya at maprotektahan ang mga baybaying-dagat laban sa panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Isa rin itong hakbang upang ipakita na ang simpleng pagtatanim ay may malaking ambag sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Ang diwa ng pagkakaisa at malasakit ng bawat kalahok ay sumasalamin sa hangarin ng Pulis Makakalikasan, na maging huwaran hindi lamang sa kapayapaan, kundi maging sa pangangalaga ng ating Inang Kalikasan.
Source: Pana Mps Pcas FB Page