Rizal PPO, masigasig na sumusuporta sa kabataan sa pamamagitan ng grocery packages at financial assistance

0
viber_image_2025-10-08_08-24-50-456

Ipinamalas ng Rizal Police Provincial Office ang kanilang matibay na suporta para sa mga kabataang kababaihan sa pangangalaga ng Timothy Project Butterfly Home sa pamamagitan ng pamamahagi ng grocery packages at financial assistance katuwang ang Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) nito lamang ika-7 ng Oktubre, 2025.

Sa pangunguna ni PCol Feloteo A. Gonzalgo, Provincial Director ng Rizal Police, ipinakita ng tanggapan ang kanilang pagtutok sa mga programang may malasakit sa kabataan bilang bahagi ng kanilang misyon para sa makataong paglilingkod at pagpapabuti ng komunidad.

Ang Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development, sa pamumuno Mr. Denis Martin, miyembro ng PAGPTD, bilang isang advisory group, ay nagsisilbing tulay ng kooperasyon sa pagitan ng pulisya at mga organisasyon na nagtatrabaho para sa proteksyon, edukasyon, at empowerment ng mga kabataan.

Sa paglahok ng Rizal Police sa mga ganitong aktibidad, nananatili silang matatag na katuwang ng komunidad upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataang nasa mahihirap na kalagayan, lalo na ang mga kabataang kababaihan na nangangailangan ng suporta upang maitaguyod ang kanilang mga pangarap at kinabukasan.

Ang Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) ay patuloy na nagsisilbing gabay at tagapagtaguyod ng mga programang may malasakit sa kabataan, na naglalayong mapabuti ang relasyon ng pulisya at ng komunidad sa Rizal at maisulong ang pagbabago tungo sa mas ligtas at maunlad na lalawigan.

Sa patuloy na pakikiisa ng Rizal Police Provincial Office at mga advocacy support group, umaasa ang buong komunidad na mas marami pang kabataan ang matutulungan at maiaangat ang kanilang buhay sa pamamagitan ng mga programang may puso at malasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *