Rotary Club of Agoo, naghatid ng tulong sa Barangay Tococ, Sto. Tomas, La Union

0
viber_image_2025-10-06_13-33-01-846

Isang makabuluhang proyekto ng Rotary Club of Agoo ang isinagawa noong Oktubre 5, 2025 sa Barangay Tococ, Sto. Tomas, La Union, bilang bahagi ng kanilang patuloy na adhikaing “Service Above Self.”

Namahagi ang grupo ng 37 raincoat, Crocs-style na tsinelas, at mga payong sa mga barangay council members, barangay health workers, tanod, at iba pang opisyal na naka-duty upang maprotektahan sila laban sa ulan at iba pang sakuna habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa komunidad.

Bukod dito, namigay rin ang Rotary Club ng groceries at mga sariwang gulay mga benepisyaryo na kabilang sa Sector One ng nasabing barangay. Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng kaunting ginhawa at tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Ang pamimigay ng mga tsinelas ay isa ring simpleng paraan upang maghatid ng kaginhawahan at proteksyon sa mga patuloy na naglilingkod sa mamamayan, lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, muling ipinamalas ng Rotary Club of Agoo ang tunay na diwa ng “Service Above Self”, mga munting hakbang na nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba.

Source: Rotary Club of Agoo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *