Anti-Illegal Drugs Awareness Symposium, isinagawa sa mga paaralan sa Albuera, Leyte

Nilahukan ng mga mag-aaral ng Seguinon Stand-Alone Senior High School at Dr. Geronimo B. Zaldivar Memorial School of Fisheries ang isinagawang Anti-Illegal Drugs Awareness Symposium sa Albuera, Leyte nito lamang Oktubre 16, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Leyte Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Dionisio DC Apas Jr, Provincial Director sa pamamagitan ng Provincial Community Affairs and Development Unit at sa koordinasyon sa Albuera Municipal Police Station.

Ang mga mag-aaral ay tinuruan tungkol sa mga mapaminsalang bunga ng paggamit ng droga, ang kahalagahan ng responsableng pagdedesisyon, at ang papel ng kabataan sa pagsuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Nilalayon ng symposium na itaas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa masamang epekto ng ilegal na droga at palakasin ang pagtutulungan ng pulisya at akademikong komunidad sa pagtataguyod ng kapaligirang walang droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *