Saint Theresa College of Tandag, Inc. – College of Criminology, nagsagawa ng Tree Planting Activity

0
562994917_1304106644730169_3400981646447732675_n

Nagsagawa ng tree planting activity sa ilalim ng temang “Panaghiusa Sets Sail: Anchored in Faith, Nurturing Excellence, and Sailing Together in Integrity,” ang College of Criminology ng Saint Theresa College of Tandag, Inc. noong Oktubre 14, 2025 sa Rosario, Tandag City, sa pakikipagtulungan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)–Tandag.

Sinimulan ang programa sa isang maikling pagbubukas at oryentasyon ukol sa tamang pamamaraan ng pagtatanim ng puno na pinangunahan ng isang kinatawan mula sa PENRO.

Lumahok nang buong sigla ang mga guro, kawani, at mga mag-aaral ng Criminology sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punla bilang simbolo ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan.

Bilang pagtatapos, nagsagawa ng reflection-sharing ang piling mag-aaral ng Criminology kung saan ibinahagi nila ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos, disiplina, at pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, ipinamalas ng Saint Theresa College of Tandag, Inc. ang kanilang patuloy na pagsuporta sa mga proyektong pangkalikasan at ang paghubog ng mga kabataang may malasakit, disiplina, at integridad—mga haliging tunay na kailangan sa pagtataguyod ng isang mas luntian at mas maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *