Advisory Group, nagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

Nagpakita ng matatag na diwa ng malasakit ang Advisory Group sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu sa pakikipagtulungan sa Police Station 2, Cebu City Police Office sa pamumuno ni PMAJ TIMOTHY JIM M. ROMANILLOS, Officer-in-Charge, noong ika-15 ng Oktubre 2025.
Kabuuang 440 galon ng mineral water ang kanilang naipagkaloob upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.

Ang hakbanging ito ay malinaw na patunay ng pagkakaisa sa pagitan ng kapulisan, pribadong sektor at mga volunteer groups sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad. Sa pamamagitan ng simpleng tulong na ito, naiparating hindi lamang ang tubig kundi pati na rin ang pag-asa sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at kapanatagan.
Patuloy na isinusulong ng Abellana Police Station ang diwa ng serbisyong may puso at malasakit para sa mamamayan. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, nananatiling tapat ang kapulisan sa kanilang panata .