Faith-Based Group, nagsagawa ng SWIM sa Mangatarem Police Station

Isinagawa ng Religious Faith-Based Group, sa pangunguna ni Pastor Johnny Aquiro na kilala rin bilang Values Life Coach, ang Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) noong Oktubre 16, 2025, sa Mangatarem Police Station na matatagpuan sa Brgy. Burgos, Mangatarem, Pangasinan.

Dumalo sa aktibidad ang mga uniformed at non-uniformed personnel ng istasyon bilang bahagi ng kanilang regular na programa upang mapalalim ang kanilang pananampalataya, pagpapahalaga sa buhay, at espiritwal na kalakasan.

Layunin ng SWIM na hikayatin ang mga tauhan ng PNP na maging inspirasyon sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng wastong asal, disiplina, at pananampalataya. Ang nasabing programa ay nagsilbing pagkakataon upang mapalakas hindi lamang ang espiritwal na aspeto ng mga kawani kundi pati ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod.

Source: Pulisya ng Mangatarem

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *