Pagpapalaganap ng kapayapaan at kamalayan sa pamamagitan ng dayalogo sa Barangay Amaya VII

Isinagawa ang isang dayalogo sa mga residente ng Barangay Amaya VII, Tanza, Cavite, ngayong araw, ika-18 ng Oktubre 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tanza Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Joven T. Bahil, Officer-in-Charge, kasama ang mga residente ng nasabing barangay upang mapalaganap ang kaalaman ukol sa pampublikong kaligtasan at mapalakas ang kamalayan hinggil sa mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang komunidad.

Ang naturang aktibidad ay isang hakbang patungo sa mas maayos at mas ligtas na komunidad, at isang patunay ng walang sawang pagtutulungan ng mga lokal na awtoridad, kapulisan, at mamamayan.

Ang mga ganitong pagsusumikap ay naglalayong magtulungan ang lahat ng sektor para sa isang mas payapa at progresibong bayan ng Tanza.

Source: Tanza PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *