RAGPTD6, nakiisa sa pagsasagawa ng Wellness Drive para sa mga pulis sa Antique

Nakiisa ang mga tauhan ng Regional Advisory Group for Police Transformation and Development 6 (RAGPTD6) sa matagumpay na pagsasagawa ng 4th Holistic Wellness Seminar para sa mga pulis at kanilang pamilya, na ginanap sa Antique Police Provincial Office (APPO) Headquarters noong Oktubre 16, 2025.

Pinangunahan ni PCOL LEA ROSE B. PEÑA, Provincial Director ng APPO, ang aktibidad na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Antique PAGPTD at ng Regional Mobile Development Unit 6 (RMDU6).

Layunin ng programa na paigtingin ang holistic wellness o kabuuang kalusugan at kagalingan ng mga kawani ng pulisya at kanilang pamilya.

Kabilang sa mga aktibidad ang mga makabuluhang talakayan at interactive sessions ukol sa family bonding, financial literacy, at future planning, mga paksang nakatuon sa pagpapalakas ng ugnayan ng pamilya at paghubog ng mas maayos na pananaw sa buhay ng bawat kasapi ng kapulisan.

Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng Morale and Welfare Program ng PRO6 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN JOSEFINO D. LIGAN, Regional Director, alinsunod sa focused agenda ni Acting Chief, PNP PLTGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PRO6, RAGPTD6, APPO, Antique PAGPTD, at RMDU6, naipakita ang kanilang pagkakaisa at malasakit sa kapakanan ng mga pulis at kanilang pamilya, patunay na ang matatag na organisasyon ay nagsisimula sa mga tauhang may malusog na katawan, matatag na kaisipan, at masayang tahanan.
Source: PRO 6 FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *