Serbisyo para sa Barangay: Sama-samang pagkilos sa Kilang, Galimuyod

Nagkaisa ang mga iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Galimuyod, Ilocos Sur sa isinagawang “Serbisyo para sa Barangay” sa Barangay Kilang noong Oktubre 16, 2025, na naglalayong dalhin ang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan ng nasabing lugar.

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni MLGOO Raquel S. Lelina, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan at mga non-government organization (NGO), sa aktibidad na dinaluhan ni Mayor Jessie B. Balingsat.

Ilan sa mga serbisyong ibinigay ay ang pamamahagi ng tig-25 kilong bigas kada kabahayan, pamimigay ng mga punong namumunga mula sa Department of Agriculture, libreng bakuna para sa mga alagang hayop mula sa Municipal Agriculture Office, at pagbibigay ng Fire Safety Inspection Certificate mula sa Bureau of Fire Protection.

Nagkaroon din ng libreng gupit, pagtatayo ng PNP Help Desk at WCPD booth na may “Aleng Pulis” standee, at pagbibigay ng seguridad sa buong aktibidad na isinagawa ng mga tauhan ng Galimuyod Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PLT Gerry C. Campilla, OIC.

Masiglang nakiisa ang mga residente ng Barangay Kilang sa naturang programa, na nagpatunay sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mamamayan tungo sa pag-unlad ng komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipapakita ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mga mamamayan sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas — isang bansa na may malasakit, kaunlaran, at pagkakaisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *