Outreach Program, isinagawa sa Tacloban City

0
viber_image_2025-10-27_16-17-51-375

Matagumpay na isinagawa ang Outreach Program sa pamamagitan ng isang symposium sa Brgy. 106, Brgy. Sto. Niño, Tacloban City nito lamang Oktubre 26, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Major Tyrone Mark A Cartalla, Comapany Commander kasama ang mga barangay officials sa pangunguna ni Hon. Edgar Grego, Punong Barangay at ang mga residente ng nasabing barangay.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Anti-Terrorism, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Cyber Security Awareness.

Nilalayon ng aktibidad na hikayatin ang mga residente na makibahagi sa paglaban sa mga lumalaganap na isyu at suliranin sa komunidad.

Ang pagtuturo sa mga komunidad kung paano kilalanin at tugunan ang mga hamon ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng isang ligtas, makatarungan, at payapang lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *