Reorganization at Oath Taking ng Barangay Auxiliary Team, isinagawa sa Antipolo City

Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa noong Miyerkules, ika-29 ng Oktubre 2025, sa San Roque National High School, Barangay San Roque, Antipolo City — ang Reorganization at Oath Taking Ceremony ng Barangay Auxiliary Team (BAT).

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Hon. Leandro Cabasbas, Punong Barangay, kasama ang mga miyembro ng Baranagay Auxiliary Team (BAT),Barangay Officials, LGU at iba pang ahensiya. Dumalo din sa naturang aktibidad ang mga kinatawan mula sa Antipolo Component City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Mark Henry A. Garcia, Officer-in-Charge, bilang bahagi ng kanilang patuloy na pakikiisa sa mga programang pangkomunidad ng lokal na pamahalaan.

Nagtulungan ang mga opisyal ng barangay, mga miyembro ng BAT, at iba pang tagapangalaga ng kaayusan sa pagbuo ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan. Sa naturang pagtitipon, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng bawat isa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng nasabing gawain na palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng barangay, PNP, at iba pang ahensya upang higit pang mapaigting ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan. Sa pamamagitan nito, isinusulong ang aktibong partisipasyon ng mga residente at ang pagpapalawak ng kamalayan sa kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at komunidad tungo sa mas maunlad at mapayapang Antipolo City.

Source: Antipolo Component City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *