‎Unity for Peace and Progress sa pamamagitan ng CAPLEDS initiative, isinagawa sa Passi City

0
viber_image_2025-10-29_12-31-16-206

Muling nagkaisa ang 3rd Civil-Military Operations (Liberator) Company, 3rd CMO Battalion ng Philippine Army kasama ang PNP, BFP, DILG at Lokal na Pamahalaan ng Passi City sa isinagawang Community Awareness, Peace, Law Enforcement, and Development Support (CAPLEDS) initiative sa Barangay Talongonan, Passi City nito lamang ika-28 ng Oktubre 2025.

‎Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Invocation at National Anthem AVP, kasunod ng mainit na pagtanggap mula kay Hon. Richard Pampag, Punong Barangay.

‎Nagbahagi ng makabuluhang mensahe si 2LT Ronald A. Apiladas (INF) PA, Commanding Officer ng 3CMOC, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa kapayapaan at pag-unlad.

‎Nagbigay din ng mahahalagang kaalaman si Mr. Noel Nathaniel Santillan ng DILG kaugnay sa responsableng pamamahala at partisipasyon ng komunidad, sinundan ng Anti-Illegal Drugs Awareness mula kay PSSg Genomar T. Andong ng PNP Passi City.

‎Tinalakay ni FO2 Shara Jane S. Chavez ng BFP Passi City ang kahandaan sa sakuna at wastong pag-iwas sa sunog, habang si Sgt Roy E. Alada (INF) PA ay naghatid ng impormasyon ukol sa pag-iwas sa insurhensiya.

‎Nagpahayag din ng buong suporta si Atty. Stephen Palmares, Mayor ng Passi City, bilang patunay ng matatag na ugnayan ng lokal na pamahalaan at mga uniformed services.


‎Nagtapos ang programa sa mensahe ni Hon. Rey Mana-ay, Brgy. Kagawad, at sabayang pag-awit ng “Pilipinas Kong Mahal” bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.


‎Patunay ang CAPLEDS initiative na nananatiling buháy at matatag ang diwa ng bayanihan sa Passi City, para sa kapayapaan, kaligtasan, at pangmatagalang kaunlaran ng bawat mamamayan.

‎For LBB po
‎Source: Passi City Police Station FB Page
‎Writer: Pat Ledilyn Bansagon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *