Makabuluhang Awareness Lecture para sa mas ligtas na komunidad, nilahukan ng mga Pantawid Beneficiaries
 
                Naglunsad ng makabuluhang Awareness Lecture at pagsasanay ang mga tauhan ng Pura Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Marvin A. Mara, Chief of Police, para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa isinagawang Caravan Services sa Pura, Tarlac nitong Oktubre 30, 2025, dakong 9:30 ng umaga.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mamamayan sa mga mahahalagang usapin tulad ng kahalagahan ng pag-alam sa road emergency hotline number, praktikal na tips sa kaligtasan, kaalaman sa mga pangunahing karapatan, at mga patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
Hinimok din ng Pura PNP ang mga residente na maging mapagmatyag, agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad, at maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay.
Binigyang-diin rin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya at komunidad para makabuo ng isang ligtas, disiplinado, at maunlad na lipunan.
 
                                         
                                         
                                         
                                         
                                         
                                         
                                        