Mag-aaral ng Salcedo, nakilahok sa Mental Health Awareness at Drug Abuse Prevention Campaign sa Eastern Samar
Aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng Salcedo National High School ang isinagawang Mental Health Awareness at Drug Abuse Prevention Campaign sa Brgy. 12, Salcedo, Eastern Samar nito lamang Oktubre 31, 2025.
Ang aktibidad ay pinagunahan ng mga tauhan ng Salcedo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Julio M Quilbio, Officer-In-Charge kasama ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Tinalakay sa aktibidad ang tungkol sa Drug Awareness at Alcohol Addiction Prevention and Control upang makatulong na itaas ang kamalayan sa mga mag-aaral at magsulong ng isang malusog at walang droga na pamumuhay.

Layunin din ng aktibidad na turuan ang mga mag-aaral tungkol sa mga panganib ng ilegal na droga at pag-abuso sa alkohol habang itinataguyod ang kalusugan ng isip at pangkalahatang kagalingan.
Pinatitibay din nito ang adbokasiya ng PNP sa pagbuo ng isang ligtas, walang droga na komunidad.