Mass Blood Donation Activity, inilunsad sa Libacao, Aklan

0
viber_image_2025-11-07_11-39-34-579

Bilang patunay ng kanilang malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan, ang mga tauhan ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Ronald S. Cesar, Officer-In-Charge, ay aktibong nakibahagi sa Mass Blood Donation Activity na inorganisa ng Local Government Unit (LGU) ng Libacao, nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2025.

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Libacao Ligtas Covid Center, Poblacion, Libacao, Aklan, sa pakikipagtulungan ng Libacao Health Center Birthing Facility at ng Libacao Gender and Development (GAD) Focal Point System.

Ang nasabing inisyatibo ay naglalayong magbigay ng sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan at tiyaking may mabilis na tugon sa mga health emergency.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat ahensya, naipakita ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa kapwa, isang patunay na ang serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas, kundi pati na rin sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkalusugan at pangkomunidad.

Ang ganitong uri ng pagtutulungan ay patunay na sa pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan at ng komunidad, mas nagiging matatag, ligtas, at maunlad ang bayan ng Libacao.

Source: 1st alAklan PMFC FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *