PNP Dumalag at Force Multipliers, nagkaisa para sa mapayapang pagdiriwang ng kapistahan sa Dumalag
Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa seguridad at kaayusan sa panahon ng pista, nagsagawa ng pre-deployment briefing si PMAJ Cherryl M. Visto, Chief of Police ng Dumalag Municipal Police Station, para sa mga augment PNP personnel at force multipliers bilang paghahanda sa Opening ng Food Festival nito lamang ika-5 ng Nobyembre 2025, sa Dumalag Tennis Court.
Layunin ng nasabing briefing na maipaalala sa lahat ng duty personnel at force multipliers ang kanilang mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong selebrasyon ng Municipal at Religious Fiesta ng Bayan ng Dumalag, bilang parangal kay Patron San Martin de Tours.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PMaj Visto ang kahalagahan ng kooperasyon, disiplina, at koordinasyon sa pagitan ng PNP at mga force multipliers upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang. Aniya, ang kanilang presensiya at pakikilahok ay malaking tulong upang maging mapayapa at organisado ang pagdaraos ng pista.
Ang aktibong partisipasyon ng mga force multipliers ay patunay ng kanilang malasakit at pakikiisa sa layunin ng kapulisan na masiguro ang katahimikan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa panahon ng pista at sa mga susunod pang aktibidad ng bayan.
Source: Dumalag MPS FB Page