Mga Barangay Officials, dumalo sa Unified 911 Orientation at PCVET Seminar sa San Roque, Talibon, Bohol

0
viber_image_2025-12-04_15-20-52-207

Nakiisa ang mga Barangay Officials ng Barangay San Roque sa isinagawang Unified 911 Orientation at Preventing and Countering Violent Extremism and Terrorism (PCVET) na pinangunahan ng Talibon MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCol Patricio C Degay Jr, Provincial Director, Bohol PPO, bandang alas 8:00 ng umaga ngayong araw, December 4, 2025 sa Talibon, Bohol.

Layunin ng aktibidad na madagdagan pa ang mga kaalaman ng mga Barangay officials kaugnay sa pagbibigay ng mga emergency responses maging ang pagkakaroon ng nga estratehiya upang maagapan ang mga posiblelng panganib sa kanilang komunidad.

Bahagi sa aktibidad ang Salaam Police Advocacy Group (SPAG)- Bohol Chapter, sa pangunguna ni PCpl Jonald Avinido, Salaam PNCO, na nagbigay ng kanyang mga kaalaman kaugnay sa mga Violent Extremism, terrorism at iba pang mga napapanahong kaalaman.

Natapos ang naturang pagpupulong sa pamamagitan ng paglalahada ng naturang mga barangay officials sa kanilang dedikasyon upang tulungan ang pamahalaan sa paghatap sa iba’t ibang hamon sa kanilang lokalidad partikular na sa pagsugpo ng krimen at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *