Day 8 ng Capacity Development para sa mga Barangay Officials, matagumpay na isinakatuparan sa Bohol

0
viber_image_2025-12-22_16-25-41-432

Matagumpay na isinakatuparan ang pang-walong araw ng Capacity Development of Barangay Officials 2025 ng Provincial Government ng Bohol nitong December 18, 2025, sa Tagbilaran City.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ang nga tauhan ng Bohol Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL PATRICIO C DEGAY JR., Provincial Director, sa pamamagitan ng Police Community Affairs Development Unit (PCADU) na pinangunahan ni PLTCOL JOSEPH P BERONDO, Chief, PCADU.

Hindi lamang dumalo ang mga kapulisan ng Bohol PPO, kundi naging bahagi rin sila sa program kung saan nagsilbi ang mga ito bilang mga resource speakers na tinalakay ang mga mahahalagang topiko gaya na lamang ng Preventing and Countering Violent Extremism and Terrorism (PCVET) na idinetalye ni PSSg Jonald “Abdulsalam” Avinido,l; Violence Against Women and Children (VAWC) at Children in Conflict with the Law (CICL) na tinalakay naman ni PCMS Christena Pineda, at ang wastong paggamit ng Unified 911 Emergency Hotline at cybercrime awareness na tinalakay naman ni PSSg Aldrin Palaca.

Layunin ng pinagsanib na inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bohol at ng PNP Bohol na mas pagtibayin pa ang kakayahan ng lahat ng mga barangay officials sa pagpapanitili ng kaligtasan ng mga residente sa buong lalawigan ng Bohol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *