Barangay Public Safety Officer ng Barangay Banaba, nakiisa sa isinagawang Police Visibility/Patrolling ng PNP
Nakiisa ang mga Barangay Public Safety Officers ng Barangay Banaba ng San Mateo, Rizal sa isinagawang Police Visibility/Patrolling ng San Mateo PNP bandang 5:38 ng madaling araw ng December 24, 2025 sa Barangay Banaba, San Mateo, Rizal.

Pinangunahan ni PSSg Ramos at Pat Gonzales, sa superbisyon ni PLtCol Jonathan D Ilay, Chief of Police, ang nasabing aktibidad.
Ang nasabing aktibidad ay hakbang bilang pang-iwas at pagpapatindi ng kampanya laban sa krimen upang maagapan ang paglitaw ng 8 focused crimes sa nasasakupan.