Community Outreach Program, hatid ng Rotary Club Metropolitan Malolos kaagapay ang Malolos PNP

0
605454552_885445227320419_1908866942653904104_n

Nagsagawa ang Rotary Club Metropolitan Malolos sa pangunguna ni Mr. Angel Morada, Pangulo ng Rotary Club Metropolitan Malolos ng Community Outreach Program kaagapay ang Malolos PNP sa ilalim ng liderato ni PLtCol Rommel E Geneblazo, Chief of Police, sa lungsod ng Malolos noong Disyembre 27, 2025.

Ang nasabing grupo ay nagbigay ng maagang pang Media Noche” na may temang “Saludong Pagkilala sa mga Gasoline Pump Attendant ng City of Malolos”.

Layunin ng programa na kilalanin at ipagdiwang ang mahalagang kontribusyon ng mga gasoline pump attendants sa araw-araw na operasyon at kaligtasan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, ipinakita ng Rotary Club Metropolitan Malolos at Malolos PNP ang kanilang pagpapahalaga sa mga ordinaryong manggagawa na nagsisilbing katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at serbisyo sa lungsod.

Ang naturang outreach program ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Kapulisan at mga katuwang na organisasyon upang palakasin ang ugnayan sa komunidad, magbigay ng suporta, at magpatibay ng pagkakaisa sa lahat ng sektor ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *