Gift-Giving Activity, isinagawa ng Municipal Advisory Group kasama ang Calumpit PNP

0
605546978_884764890721786_2686246927931314310_n

Nagsagawa ang Municipal Advisory Group (MAG) ng Gift-Giving Activity para sa mga bata ng Barangay Iba O’ Este bilang bahagi ng kanilang patuloy na mga programang pangkomunidad na naglalayong magbigay ng kalinga, saya, at inspirasyon sa Kabataan ngayong araw, Disyembre 27, 2025 sa Bayan ng Calumpit, Bulacan.

Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Calumpit Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Leopoldo L Estorque Jr., Hepe ng Kapulisan, na patuloy na nagsusulong ng mga gawaing nagpapalakas sa ugnayan ng kapulisan at ng mamamayan.

Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga regalo at pakikipag-ugnayan sa mga bata, naipadama ang malasakit at suporta ng iba’t ibang sektor ng lokal na pamahalaan at kapulisan, kasabay ng paghahatid ng mensahe ng pag-asa, disiplina, at pagmamahal sa komunidad. Ang gawaing ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng Municipal Advisory Group at ng Calumpit PNP sa pagsusulong ng ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan, kung saan ang kapakanan ng kabataan ay patuloy na binibigyang-halaga bilang pundasyon ng kinabukasan ng bayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *