Kabataan, ipinakita ang kamalayan sa pangangalaga ng karagatan sa KKDAT Mural Competition

0
608154014_1195608039420825_7548682719161150024_n

Isinagawa ang Awarding Ceremony ng KKDAT Provincial Mural Painting Competition 2025, isang aktibidad na nagsilbing plataporma upang maipahayag ng kabataan ang kanilang kamalayan at paninindigan sa pangangalaga at pagtatanggol ng karagatan, sa ilalim ng temang “Bagong Kabataan: Bayaning Magtatanggol sa Karagatan” na tumutukoy sa West Philippine Sea, Philippine Rise, at Luzon Strait, ngayong Disyembre 29, 2025.

Bilang panimula, nagbigay ng Welcome Remarks si PMaj Florentino P Marallag, AC, PCADU, na nagpasalamat sa lahat ng lumahok, katuwang na ahensya, at mga kalahok sa kanilang malikhaing kontribusyon sa aktibidad. Sinundan ito ng Opening Message ni PLtCol Ramil N Alipio, DPDA, na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang ng Philippine National Police at iba pang ahensya sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at responsableng mamamayan.

Dinaluhan at pinangunahan ang awarding ceremony bilang Guest of Honor and Speaker si Director Romeo I. Toribio Jr, Regional Director ng NICA, na hinimok ang mga kabataan na ipagpatuloy ang positibong adbokasiya para sa pagtatanggol sa pambansang soberanya at karagatan.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Cagayan Police Provincial Office, katuwang ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at sa buong suporta ng Provincial Government of Cagayan. Pinuri rin ang KKDAT Cagayan President, Mr. William II A. Furigay, kasama ang iba pang opisyal, gayundin ang mga miyembro, sa kanilang walang sawang suporta at aktibong kooperasyon.

Ang mga mural ay sinuri ng Panel of Judges na binubuo nina Director Toribio Jr., PLtCol Alipio, PMaj Marallag; Director Eden Racho, Assistant Regional Director for Production, NICA, Ms. Ann Danguilan, Researcher, NICA; na masusing tumasa sa mga obra batay sa mensahe, kasiningan, at kaugnayan sa tema ng aktibidad.

Ang nanalo sa kompetisyon bilang 1st Place: Wall No. 3 – Iguig at Solana; 2nd Place: Wall No. 12 – Calayan at Aparri; at ang 3rd Place: Wall No. 1 – Tuguegarao CCPS. Sa Special Awards naman ang Outstanding Presentation Award: Eisle Josh Maquiraya; Best Youth Empowerment Message: Wall No. 3; Best in Mini Version: Wall No. 3; Most Creative Mural: Wall No. 12; at Best Interpretation of Theme: Wall No. 3. Ang matagumpay na aktibidad ay patunay ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at kabataan sa pagtataguyod ng soberanya, kapayapaan, at isang ligtas at matatag na komunidad, habang ipinapakita ang malikhaing paraan ng kabataan sa pagsusulong ng kamalayan sa pangangalaga ng ating karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *