PNP at mga Stakeholders, nagsagawa ng feeding program at lecture para sa Komunidad sa Pasig City
Nagkakaisang isinagawa ng Pasig City Police Station, katuwang ang iba’t ibang stakeholders, ang isang makabuluhang feeding program at information drive noong Enero 6, 2026, bandang alas-10:00 ng umaga sa Santos-Alipinin Daycare Center sa Barangay Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig City. Ang aktibidad ay pinangunahan ng hepe ng pulisya ng lungsod na si PCol Hendrix B. Mangaldan bilang bahagi ng patuloy na community engagement program ng kapulisan.
Sa pamamagitan ng Station Community Affairs and Development Section (SCADS) na pinamumunuan ni PEMS Emilton O. Ladisla, Chief Clerk, aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Pinagbuhatan Police Sub-Station 5 sa nasabing gawain. Layunin ng programa na maghatid ng tulong at malasakit sa mga kabataan, kasabay ng pagpapalakas ng ugnayan at tiwala ng komunidad sa hanay ng kapulisan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng mga piling stakeholder tulad ng Philippine Association of Esthetic Dentistry (PAED), Pasig-Pateros-Taguig Chapter (PPTC), at Soroptimist International (SI). Sama-samang naghandog ang mga ito ng masustansiyang pagkain para sa mga bata sa daycare center, na nagbigay ng kagalakan at inspirasyon sa mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya.
BBukod sa feeding program, isinagawa rin ang isang makabuluhang lektyur ukol sa karapatan at kapakanan ng kababaihan at kabataan. Nagkaroon din ng pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials at facemasks bilang bahagi ng kampanya sa kaalaman at kalusugan.
Ipinakita ng aktibidad ang matibay na paninindigan ng Pasig City Police Station at ng kanilang mga katuwang sa pagtataguyod ng ligtas, mulat, at malasakit na komunidad.