Provincial Joint Peace and Security Coordinating Council Meeting, isinakatuparan sa Siquijor
Matagumpay na isinakatuparan ng mga awtoridad sa lalawigan ng Siqquijor ang Provincial Joint Peace and Security Coordinating Council Meeting nito lamang January 8, 2026, na ginanap sa SPPO Conference Room sa Brgy. Caipilan, Siquijor.
Ang naturang meeting ay pinangunahan ng tatlong chairpersons na sina PCOL EMELIE D SANTOS, Provincial Director ng Siquijor Police Provincial Office; SGT JERIC ABRAHAM (INF), Philippine Army Representative; at si LTJG RIZA T GENEBLAZA ng Philippine Coast Guard.
Tinalakay sa naturang meeting ang ilang mga pangunahing usapin sa lalawigan kabilang na rito ang Security preparations para sa Sinulog Festival 2026; Security preparations para sa Sweetnotes Concert; Intelligence summary ng lalawigan ng Siquijor; at iba ng pang mga concerns kaugnay sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa nasabing island province.
Dumalo rin sa naturang meeting ang Deputy Provincial Director for Operations (DPDO) ng SPPO; SPPO Quad Staff, mga Chiefs of Police/Officers-in-Charge ng anim na Municipal Police Stations, Traffic Patrol Unit (TPU), Siquijor Provincial Mobile Force Platoon (SPMFP), Team Leaders mula sa National Support Units (NSUs), Operations personnel ng Task Group Siquijor, at ang anim na Sub-Station Commanders ng Coast Guard Station Siquijor.
Nagtapos ang meeting dakong alas 3:10 ng hapon ng parehong araw kung saan naging produktibo ang lahat ng mga kasaping awtoridad sa pagtatalakay sa mga mahahalagang bagay kaugnay sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa buong lalawigan.