Pagpapatibay ng uganayan sa komunidad, isinagawa sa Trinidad, Bohol sa pamamagitan ng SPAG Dialogue
Muling pinagtibay ng kapulisan ng Trinidad, Bohol ang ugnayan sa buong komunidad sa pamamagitan ng Salaam Police Advisory Council (SPAG) Dialogue na ginanap sa Masjid Salaam, Tagum Sur, Trinidad, sa Bohol nito lamang January 9, 2026.
Isinakatuparang ang aktibidad sa pangunguna ng Bohol Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL PATRICIO C DEGAY JR., Provincial Director, sa pamamagitan ni PSSg Jonald “Abdulsalam” C Avinido, Salaam Police Non-Commissioned Officer at SPAG Bohol Provincial President.
Dumalo sa nasabing dialogue ang mga miyembro ng SPAG Trinidad at Inabanga Chapters na masigasig na nakiisa sa mga talakayan.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng pagkakataon ang mga nakiisang kasapi ng Muslim community na pagtibayin pa ang kanilang pakikipagtulungan sa pulisya para sa pagbibigay solusyon sa mga problemang may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Pinangunahan din ni PSSg Avinido ang open forum maging ng mga talakayan kaugnay sa pagpapalawak ng mga kampanya ng pamahalaan na sumusuporta sa pagpapayaman ng kanilang kultura at tradisyon maging sa pagkakaroon ng progreso at kaunlaran maging ng pang-matagalang kapayapaan para sa bawat miyembro ng kanilang komunidad.