Pamilyang nastranded sa baha sa Tunga, Leyte, pinagtulungang iniligtas ng mga awtoridad

0
viber_image_2026-01-12_13-26-18-314

Pinagtulungang iniligtas ng mga awtoridad ang pamilyang nastranded umano sa baha habang naglalaba sa ilalim ng Naliwatan Bridge, Brgy. San Vicente, Tunga, Leyte, nito lamang January 10, 2026.

Kinilala ang naturang pamilya na sina Mr. at Mrs. Busante, kasama ang kanilang dalawang mga anak na may edad 8 at 6 years old. Naglalaba lamang umano sila sa nasabing tulay nang hindi nila namalayang bigla na lang tumaas ang tubig-baha. Sinubukan pa nilang umalis ngunit hindi nila magawa bunsod ng bilis ng agos ng baha.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa pangunguna ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 8, Bureau of Fire Protection (BFP) Tunga kasama ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tunga, Leyte.

Kabilang sa mga personal na rumesponde sina PSSg Jonel Benjamin ng RMFB 8 kasama si OIC–Municipal Fire Marshal SFO4 Venancio B Astorga; SFO2 Rodolfo R Irlandez; SFO1 Cesar L Sabarre; FO2 Carl Mandy A Caballes, at FO1 Lemuel T Latina ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tunga.

Sa pamamagitan ng tulong-tulong na pagresponde, ligtas na nai-angat ang lahat ng mga indibidwal na nastranded sa nasabing lugar.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na palaging isaalang-alang ang kanilang kaligtasan lalo na ngayong masama ang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *