Mga kasapi ng Brotherhood of Christian Businessmen & Professionals, bumisita sa PNP Region 6

0
viber_image_2026-01-13_16-22-18-421

Bumisita ang mga kasapi ng Brotherhood of Christian Businessmen & Professionals (BCBP) na pinangunahan ni PCOL LEO T BATILES (RET.) sa Police Regional Office 6 kung saan mainit silang tinanggap ni PBGEN JOSEFINO D LIGAN, Regional Director of Police Regional Office 6 nito lamang January 12, 2026.

Layunin ng kanilang pagbisita ang pagbuo ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kanilang grupo at ng Pambansang Pulisya para sa pagpapayaman ng faith-guided values sa buong himpilan partikular na sa Police Regional Office 6 para sa nation-building maging sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Ang Brotherhood of Christian Businessmen & Professionals (BCBP) ay isang Catholic organization na may misyong palaganapin ang pamumunong nakabase sa integridad, ethical leadership at Christian values sa ating mga komunidad.

Pinasalamatan naman ni PBGEN LIGAN ang buong BCBP delegation sa kanilang pagdalaw at tiniyak na kaisa nila ang PRO 6 sa hangaring magkaroon ng mga lider na mapagkakatiwalaan, may integridad at higit sa lahat may puso para sa kapakanan ng lahat ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *