1st RAGPTD Meeting at Oath-Taking Ceremony, isinagawa sa Negros Island Region

0
viber_image_2026-01-15_14-44-39-789

Matagumpay na isinagawa ang 1st Regional Advisory Group for Police Transformation and Development (RAGPTD) Meeting and Oath-Taking Ceremony, sa Negros Island Region sa pangunguna ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) nitong January 12, 2026 na ginanap sa Kanlaon Hall, Camp Alfredo M. Montelibano Sr., Barangay Estefania, Bacolod City.

Pinangunahan ang aktibidad ni PBGEN DENNIS A ESGUERRA, DRDA, PRO-NIR na dinaluhan naman ng nasa 19 distinguished RAGPTD representatives mula sa national at local government agencies, kabilang na ang judiciary, mga tauhan ng prosecution service, pati na ang mga miyembro ng academe, religious sector, business community, women and youth groups, media at iba pang mga personnl ng PRO NIR.

Ang nasabing grupo na nanggaling mula sa iba’t ibang sektor na bumubuo ng Regional Advisory Group for Police Transformation and Development (RAGPTD) ay nagpapakita ng matibay na hangarin ng PNP-NIR sa pagkakaroon ng buo at maayos na ugnayan para sa pagkamit ng PNP Transformation and Development agenda.

Kasabay ng nasabing pagtitipon, ang mainit na pagtanggap sa mga bagong miyembro ng RAGPTD at ang panunumpa ng mga bagong opisyales maging ng pagpirma ng pledge of commitment, bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa pagkamit ng mga layunin ng Pambansang Pulisya na magkaroon ng payapa at progresibong pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *