Iloilo Provincial Government, layon ang 100% drug cleared barangay sa lalawigan

0
viber_image_2026-01-21_14-24-36-265

Muling nagsagawa ng pagpupulong ang mga lider ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Iloilo katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa drug-clearing operations na ipinapatupad sa buong lalawigan.

Nito lamang January 16, 2026, isinakatuparan ang isang meeting na pinangunahan mismo ni Mayor Ma. Angelica Bianca Requinto-Espinosa ng Estancia, Iloilo, kasama si Provincial Administrator Dr. Raul Banias, bilang mga kinatawan ng Iloilo Provincial Government na ginanap sa Office of the Mayor, Estancia Municipal Hall, Estancia, Iloilo.

Kabilang sa mga dumalo si Police Colonel Bayani M Razalan, Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), kasama sina Hon. Rena Talavera, Punong Barangay ng Brgy. Bulaqueña; Mr. James Daniel Godinez, MLGOO ng Estancia; IA V Nicolas Gomez, PDEA Iloilo; Police Lieutenant Colonel Rolando D Araño, Chief PCADU; Police Major Dadje B Delima, Chief PDEU; Police Major John S Bello, Force Commander of 2nd IPMFC; at si Police Major Karl Jerome T Tingala, Chief of Police ng Estancia MPS.

Tinalakay sa naturang meeting ang inilunsad na drug-clearing operations para sa Brgy. Bulaqueña—ang nag-iisang barangay sa lalawigan ng Iloilo na nananatiling hindi pa drug-cleared.

Binigyang-diin ni Dr. Raul Banias ang “Whole-of-Government” approach ng pamahalaan upang maisakatupaean ang pagiging drug-cleared ng nasabing barangay na sinuportahan naman ni Governor Arthur “Toto” Defensor Jr., kung saan isinaalang-alang ang long-term sustainment para sa mga drug-free communities.

Kabilang na rito ang BADAC functionality, mga interventions gaya ng iba’t ibang programa upang masawata ang drug demand maging ng supply reduction, bukod pa rito ang mga aftercare programs na binibigay ng pamahalaan para sa mga reintegrated individuals.

Sa kabilang banda, buo naman ang suporta ni Mayor Requinto-Espinosa, sa lahat ng mga hakbang para sa pagkamit ng isang drug-free Estancia.

Samantala, inanunsyo naman ni Police Colonel Razalan na magtatalaga ang IPPO ng dalawang Narcotics Detection Dogs (NDDs) sa bayan ng Estancia pagkatapos umano ng kanilang Narcotics Detection Dog Handler Course (NDDHC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *