Basketball Clinic para sa kabataan, pinangunahan ng kapulisan sa Region 8

0
viber_image_2026-02-01_12-10-39-911

Matagumpay na inilunsad ng mga kapulisan sa Region 8 ang isang Basketball Clinic para sa mga kabataan na nais matuto o makiisa sa larong basketball na ginanap sa PRO 8 Gym, Camp Ruperto K. Kangleon, Campetic sa Palo, Leyte nito lamang January 31, 2026.

Layunin ng nasabing inisyatiba na palawakin ang kultura ng maayos na pangangatawan ng kabataan, teamwork, disiplina at ang pagiging sports-minded ng bawat kalahok.

Ang clinic ay magsisilbi rin bilang produktibong lugar para sa pagpapalakqs ng ugnayan at samahan ng bawat isa partikular na sa mga kabataan sa rehiyon.

Lubos namang ikinagagalak ng mga kabataang lumahok sa programa na masigasig na nakibahagi at naglaro kasama ang kanilang mga barkdada at pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *