Squad Weekly Interactive Meeting, tuloy-tuloy na isinakatuparan ng NOrPPO
Tuloy-tuloy na isinakatuparan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) sa ilalim ng pamumuno ni PCOL LITO E PATAY, OIC, NOrPPO, ang kanilang regular na Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) para sa mga tauhan nito na ginanap sa NOrPPO Chapel sa Camp Lt. Col. Francisco C. Fernandez Jr., Agan-an, Sibulan, Negros Oriental nito lamang February 2, 2026.
Pinangunahan ang naturang session ni Pastor Edison Seit., na siyang nagbahagi ng isang makabuluhanf faith-centered message sa topic na “Walk in God’s Will,” alinsunod sa mga nasabing Bible verses:

📖 Deuteronomy 8:6 – “Observe the commands of the Lord your God, walking in obedience to Him and revering Him.”
📖 1 John 2:17 – “The world and its desires pass away, but whoever does the will of God lives forever.”
Binigyang-diin ni Pastor Seit ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng ating mga desisyon at aksyon sa kagustuhan ng Panginoon, kung saan pinaaalalahanan niya ang lahat ng mga tauhan kaugnay sa patutunguhan ng lahat ng ating mga plano kung naka-angkla sa kautusan niya.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing SWIM ang mga uniformed at non-uniformed personnel ng NOrPPO.
Layunin ng nagpapatuloy na aktibidad na gabayan ang nasabing nga tauhan upang mas mapagtibay pa nila ang kanilang mga spiritual, moral, at emotional well-being bilang bahagi sa PNP Moral at Spiritual Transformation Program.