Mga Force Multipliers ng Brgy. Malalam-Malacabibi, nakiisa sa tree planting activity kasama ang Solana PNP
Nagsagawa ng tree planting acting ang TAU GAMMA PHI Solana Community Chapter sa pamumuno ni G. Neil Alfonz T. Ortiz sa Barangay Malalam-Malacabibi, Solana, Cagayan noong Pebrero 15, 2026.

Nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Solana Police Station, Cagayan Police Provincial Office, sa pamumuno ni PSMS Ronald Reyes, Patrol PNCO, kasama ang mga miyembro ng KKDAT at BPAT ng nasabing Barangay.

Layunin ng aktibidad na ito na mapataas ang kamalayan ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno upang makatulong sa pagpapababa ng masamang epekto ng climate change sa kapaligiran.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BjvyKSdfR/