PNP at LGU San Mateo, nagsagawa ng sabayang Anti-Criminality at Safer City initiatives

0
686329499_1274989874808071_2225492629315661323_n

Matagumpay na isinagawa noong gabi ng Abril 28, 2026 sa Bayan ng San Mateo ang sabayang implementasyon ng Safer City Initiatives ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng Integrated Anti-Criminality Campaign ng PNP.

Pinangunahan ito ni PLTCOL Arnel M. Tabaog, Officer-in-Charge, katuwang ang Pamahalaang Lokal ng San Mateo, mga punong barangay, Public Safety Office, force multipliers, at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs). Layunin ng operasyon na mahigpit na ipatupad ang mga lokal na ordinansa at umiiral na batas, kabilang ang curfew para sa mga menor de edad, pagbabawal sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, reklamo sa ingay, at mga paglabag sa pampublikong indecency.

Patuloy na hinihikayat ang publiko na sumunod sa mga alituntunin at makiisa sa mga programa ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at kaligtasan sa Bayan ng San Mateo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *