Seminar Kontra Gender-Based Violence, isinakatupara ng WCPD Bulan MPS kasabay ng paggunita sa WDACL 2026

0
viber_image_2026-06-04_12-41-45-536

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2026 World Day Against Child Labor (WDACL) ngayong buwan ng Hunyo, na may pandaigdigang temang “Red Card to Child Labour: Fair Play for Children, Decent Work for Adults” at pambansang temang “Ikaw, Ako, Tayo: Sama-samang Pagkilos para sa Batang Malaya,” nagsagawa ang mga tauhan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Bulan Municipal Police Station sa pamumuno ni PLTCOL BARRY GIBB T ZORILLA, OIC, ng isang lecture hinggil sa gender-based violence noong Hunyo 3, 2026, dakong alas-9:00 ng umaga sa Barangay Quezon, Bulan, Sorsogon.

Tinalakay sa nasabing lecture ang mahahalagang batas na naglalayong protektahan ang kababaihan at mga bata laban sa pang-aabuso at karahasan, kabilang ang Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law), Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), at Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng programang “Guiding the Next Generation: A Community Conversation on Early Pregnancy Seminar” na ginanap sa multipurpose hall ng Barangay Quezon.

Dinaluhan ito ng mga magulang, mga bata, mga opisyal ng barangay, at iba pang mga residente ng komunidad.

Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa karapatan at proteksyon ng kababaihan at kabataan, maiwasan ang pang-aabuso at maagang pagbubuntis, at mahikayat ang sama-samang pagkilos ng komunidad para sa kapakanan ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *