NABAS MPS, nagsagawa ng Public Safety Lecture para sa mga mag-aaral ng Unidos National High School

0
Screenshot-2026-09-29-104914-1

Nagsagawa ng lecture ang mga tauhan ng Nabas Municipal Police Station (MPS) sa mga mag-aaral ng Unidos National High School bilang bahagi ng kampanya sa crime prevention at pagpapalakas ng kaalaman sa public safety.

Pinangunahan ni PLT CRISJOFEL P. ALBACITE, Deputy Chief of Police (DCOP), sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ RONNEL L. BAYABAN, Chief of Police (COP), ang talakayan na nakatuon sa personal safety, anti-bullying, crime prevention, at wastong paraan ng pag-uulat sa oras ng emergency.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan at pagiging mapagmatyag ng mga mag-aaral, gayundin ang mahikayat silang maging aktibong katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na paaralan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *