Pulis Kasanggayahan, pinatatag ang kahandaan ng BPATs sa Sorsogon; flashlights, ipinamahagi

0
O1

Namahagi ng flashlight ang Sorsogon 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPATs) sa Barangay Bulacao, Gubat, Sorsogon noong Nobyembre 15, 2026, upang mapalakas ang kanilang kahandaan sa pagpapanatili ng seguridad sa komunidad.

Magagamit ang mga flashlight sa nighttime patrols at iba pang gawaing pangseguridad upang mapahusay ang visibility at kaligtasan ng mga BPATs habang nagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Bahagi ito ng PNP Focused Agenda on Community Support at Project Alagang KA-SU-ROG, na naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng kapulisan at komunidad para sa kapayapaan at kaayusan.

Sa pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G. SILVIO, Regional Director ng Police Regional Office 5, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-suporta sa mga katuwang ng kapulisan at nagtataguyod ng ligtas at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *