NCIP Davao Occidental nagsagawa ng Adapt-a-Tree Activity
Nakipagtulungan ang mga tauhan ng 1st Davao Occidental Provincial Mobile Force Company, kasama ang Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) Don Marcelino Cluster 1, Davao Occidental Police Provincial Office, at Don Marcelino Municipal Police Station, upang magtanim ng 1,000 punla sa Barangay Baluntaya, bayan ng Don Marcelino nito lamang Oktubre 4, 2024.
Ang inisyatibong ito ay inorganisa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Davao Occidental. Ang Adopt-a-Tree campaign ay isa sa mga pangunahing inisyatiba ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Davao Occidental, na ginugunita ang ika-27 na anibersaryo ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) habang ipinagdiriwang ang Indigenous Peoples Month.
Ang aktibidad ay hindi lamang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagprotekta sa mga karapatan ng mga katutubo kundi nakatuon din sa pangangalaga sa kalikasan, na nagtataguyod ng mas luntian lupain para sa mga komunidad ng mga katutubong tao.