Community Outreach Program isinagawa sa Magpet, Cotabato
Ngiti at pag-asa ang ang nadama ng mga residente at ng mga Indigenous People ng Sitio Waterfalls, Brgy. Bongolonan, Magpet, Cotabato matapos silang mapili bilang benepisyaryo ng isinagawang Outreach Program ng mga Advisory Council ng Cotabato PNP nito lamang Marso 22, 2023.
Ang aktibidad ay bahagi ng Women’s Month Celebration kung saan nagtulung-tulong ang mga estudyante ng Colegio de Kidapawan Criminal Justice Education Department at 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company Advisory Council sa pamamahagi ng mga tsinelas at gamit pang eskwela sa 226 na kabataan ng nasabing barangay.
Nabiyayaan din ng sako-sakong bigas ang 80 pamilya, habang ang mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ay nabigyan ng mga handcuffs at flashlights na kanilang gagamitin sa pagroronda at pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang komunidad.
Lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga nasabing grupo sa tanggapan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa patuloy na pagtulong at pagbibigay suporta upang maisakatuparan ang naturang aktibidad.