Feeding Program isinagawa sa Misamis Oriental

Nagsagawa ng Feeding Program ang mga guro katuwang ang Misamis Oriental PNP sa Parmbugas Elementary School nito lamang Miyerkules, Marso 22, 2023.

Pinangunahan ito ng mga guro ng Pambugas Elementary School at ng Revitalized Pulis sa Barangay Misamis Oriental.

Mahigit kumulang sa 50 kabataan ang nabigyan ng nutrisyon sa naturang aktibidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro at mga pulisya ay nakapaghahatid ng tuwa sa mga bata. Layunin ng aktibidad na maisulong ang nutrisyon at hikayatin ang mamamayan na makilahok at tumulong na din sa programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *