Barangay-Based Advocacy Group, nakiisa sa Livelihood Training sa Cauayan City, Isabela

0
473286953_2859639064208266_5064867487076196662_n

Aktibong nakiisa ang Barangay-based Advocacy Group sa isinagawang Livelihood Training sa Santa Maria, Cauayan City, Isabela nito lamang ika-10 ng Enero 2025.

Pinangunahan ito ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company sa pamununo ni PCpt Emannuel P Villar Jr, Team Leader ng R-PSB, katuwang si Hon. Cynthia Uy, konsehal ng lungsod, at mga opisyal ng barangay na pinamumunuan ni Brgy. Captain Jeffrey Camaso.

Layunin ng training na ito na turuan ang mga dumalo kung paano gumawa ng dishwashing liquid na maaaring magamit bilang dagdag na pagkakakitaan, na makakatulong sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, mas mapalapit sa mga komunidad ang mga ahensya ng gobyerno habang pinapalakas ang ugnayan at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *