Eye Care Mission, matagumpay na isinagawa sa Allacapan, Cagayan
Nakibahagi ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (1st CPMFC) sa Optical Mission na isinagawa sa Barangay Cataratan, Allacapan, Cagayan noong Agosto 28, 2026, bilang suporta sa paghahatid ng libreng serbisyong pangangalaga sa mata sa mga mamamayan.
Pinangunahan ni PMaj Clan Cabansi, Deputy Force Commander, ang pakikilahok ng mga tauhan ng 1st CPMFC sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Abdel Aziz D Maximo, Acting Force Commander. Katuwang nila ang Eye Care Clinic sa pangunguna ni Dr. Rizalina Sagaysay, Eye Can Cataract Surgery, at si Pastor Joel Butay sa pagsasagawa ng naturang misyong pangkomunidad.

Bukod sa pagbibigay ng assistance at suporta sa mga residenteng nag-avail ng libreng eye care services, nagkaloob din ang mga tauhan ng 1st CPMFC ng libreng gupit sa mga benepisyaryong dumalo sa aktibidad.
Patuloy na isinusulong ng 1st CPMFC ang Community Service-Oriented Policing (CSOP) sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang naglalapit ng mahahalagang serbisyo sa mamamayan at nagpapatibay sa ugnayan ng kapulisan at komunidad.
Source: 1st Cagayan PMFC