DepEd, pinangunahan ang Tanim @18 Tree Planting Activity sa Santiago City

0
viber_image_2026-08-31_12-04-55-050

Nakiisa ang Santiago City Police Office (SCPO) sa Tanim @18 Tree Planting Activity nito lamang ika-28 ng Agosto 2026 na pinangunahan ng Schools Division Office (SDO) ng Santiago City sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Alfredo B. Gumaru Jr., Schools Division Superintendent. Ang aktibidad ay bahagi ng sama-samang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pakikiisa ng iba’t ibang sektor sa mga programang pangkomunidad.

Sa pangunguna ni PCol Edith D. Narag, City Director, nakibahagi ang mga tauhan ng SCPO kasama ang mga mag-aaral, guro, at iba pang partner agencies sa pagtatanim ng mga puno. Nakiisa rin ang mga kalahok sa Zumba activity na nagsulong ng kalusugan, wellness, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng komunidad.

Nakipag-ugnayan din ang mga tauhan ng SCPO sa mga mag-aaral ng Santiago West Central School upang higit pang mapalakas ang police-community relations at mahikayat ang kabataan na aktibong makilahok sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan, malusog na pamumuhay, at responsableng pagkamamamayan.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang tulad ng Tanim @18, patuloy na ipinakikita ng SCPO ang suporta nito sa mga inisyatibang nagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran, kalusugan, at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor. Sa sama-samang pagkilos ng kapulisan, sektor ng edukasyon, kabataan, at komunidad, mas napagtitibay ang hangaring makabuo ng isang mas ligtas, malusog, at matatag na pamayanan.

Source: Santiago Cpohq

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *