Force Multipliers, nakiisa sa Area Security at Police Visibility sa pagdiriwang ng 2nd Sinirapan Festival sa Northern Samar
Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Area Security at Police Visibility sa pagdiriwang ng 2nd Sinirapan Festival kaugnay sa Feast of Sr. Sto. Nino sa pamamagitan ng Mass, Festival Dance Parade at fluvial Procession sa Brgy. Makiwalo Mondragon, Northern, Samar nito lamang Enero 18, 2025.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge at mga Barangay Police ng nasabing lugar.
Tiniyak ng grupo ang kaligtasan ng mga residente na dumalo sa Kapistahan ng Sr. Sto. Niño.
Ang pagkilos ng grupo ay naglalayong hadlangan ang krimen at nag-iiwan ng impresyon sa mga kriminal na laging nasa malapit ang mga pulis at pinipigilan ang mga plano at aktibidad ng kriminal.