Brgy. Based Advocacy Group, sumailalim sa TESDA livelihood training sa Bayan ng Iguig, Cagayan
Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group sa isinagawang TESDA livelihood training na ginanap sa Barangay Sta. Teresa, Iguig, Cagayan noong ika-16 ng Enero taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Iguig Police Station, Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni PMSg Joan Bunagan, MCAD PNCO.


Ibinahagi sa mga opisyales ng Barangay ang kaalaman sa paggawa ng dish washing liquid na naglalayong turuan ang mga nasasakupan na maging mas produktibo para magkaroon ng dagdag na kita na makakatulong sa kanila na makayanan ang pang-araw-araw na gastusin.
Patuloy ang pakikiisa ng Brgy. Based advocacy Group sa mga ahensya ng gobyerno tungo sa isang maayos, maunlad at ligtas na bagong Pilipinas.