BPATs, nagsagawa ng BARCO sa Benguet
Nagsagawa ng Barangay Anti-Road Clearance Operation (BARCO) ang mga Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) ng Barangay Pico sa kahabaan ng Pico, La Trinidad, Benguet noong ika-19 ng Enero, 2025.
Ang aksyon na pinangunahan ni Kagawad Wilma Moncado (IPMR) at Gng. Rose Fatton, Chief Tanod, kasama ang Bike Patrol Team ng La Trinidad Municipal Police Station, ay naglalayong alisin ang mga hadlang sa kalsada tulad ng mga ilegal na nakaparadang sasakyan at iba pang obstruksyon na maaaring maging sanhi ng aksidente o pagbagal ng trapiko.
Sa ilalim ng inisyatibang ito, nagbigay ang koponan ng mga paalala at babala sa mga residente tungkol sa kahalagahan ng tamang pagparada at pagsunod sa mga batas trapiko.
Ang koponan ay patuloy na nagsusumikap na isulong ang kaligtasan sa kalsada at hikayatin ang komunidad na maging mas responsable sa paggamit ng mga pampublikong daan.