BPAT’s, nakiisa sa Kapehan sa Barangay sa Cotabato

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Kapehan sa Barangay sa Barangay Bato, Makilala, Cotabato nito lamang ika- 24 ng Enero 2025.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza, Officer-In-Charge ng Makilala Police Station ang naturang aktibidad.

Tinatalakay ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bayan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga force multipliers at kapulisan, hangad nito ang kapayapaan.

Layunin ng aktibidad na ito na maging bukas ang bawat isa sa problemang hinaharap at haharapin tungkol sa peace and order ng bayan.

Sa pagkakaisa ng bawat isa, masisiguro na ligtas ang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *