Feeding Program, inilunsad ng Pagtutulungan ng Bawat Pilipino Inc.-Mindanao One sa Davao City

0
cf9ade11-4e6d-4c0e-85a2-a4f9d4e3a24b

Inilunsad ang isang feeding program ng Pagtutulungan ng Bawat Pilipino Inc.(PNBPI)-Mindanao One nito lamang Enero 25, 2025 para sa mga residente ng Barangay Tambobong, Baguio District, Davao City.

Nakiisa naman sa naturang inisyatibo ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit(RPCADU) 11.

Bilang bahagi ng misyon ng PNBPI, ang feeding program ay may layuning hindi lamang magbigay ng pagkain kundi ipalaganap din ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at malusog na pamumuhay.

Ang ganitong inisyatibo ay nagtataguyod ng komunidad na may malasakit at pagtutulungan upang masiguro ang kapakanan ng bawat isa, lalo na ng mga pinaka-apektadong sektor tulad ng mga bata, matatanda, at mahihirap.

Sa pagtulong ng RPCADU 11, napalakas ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at Non-Government Organizations (NGOs) upang mas marami pang tao ang matulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *